kapag inggit ang sumilip

inggit, napaka simpleng salita ngunit maraming kaakibat na gawa.
dalawang klase ng inggit 
na maaring gumawa sayo ng buti 
o maaaring ikasira mo!

inggit na dadalhin ka sa mabuti, inggit na naging inspirasyon mo sa isang tao at mga naging hakbang at hamon nia sa buhay para ang estado mo ay umangat at buhay ay umayos.

inggit na nakakabuti para sa sarili mo kc gusto mong maging maginhawa din ang buhay mo kaya inspirado ka magtrabaho para umunlad.

pangalawang klase

ang inggit na nakakasira hindi lang sayo kundi sa taong kinaiingitan mo! gagawa ka ng paraan mga kwento o tsismis upang siraan ang taong kinaiinggitan mo!

inggit na ikasisira ng pagkakaibigan o pagiging mag anak! inggit na nakakasira ng pagkatao mo at ang magiging tingin sayo ng tao ay isang tinik at ahas.

tinik na bara sa lalamunan na maaring makamatay.

ahas na inaruga mo pinakain pinagkatiwalaan subalit sinagpang ka at gusto ka pang lunukin ng buo!


iwasan mo ung pangalawang klase ng inggit! minus na ang daan mo papuntang langit!

Comments

Popular posts from this blog

BABANG LUKSA