IM STILL HERE IM ALIVE BUT IM NOT WELL

I am sorry mama i still miss you... i love you you know that even though there are times we almost hate each other because of certain circumstances.. well thats life... but i never intend wish or dream of the day you left us permanently...

mama mahal na mahal kita miss na miss na kita gusto kitang makasama hinihintay ko pa rin yung pagdating mo dito sa pwesto yung pagkausap mo sa akin pag command pag dictate... at pagpapaikot sa buhay nating lahat... ikaw yun e ikaw yung lakas namin tapos ganito wala ka na... eto malapit ka ng mag 40 days pero buhay pa din kaming lahat trying to survive even though we are hurting inside.

the kids they are good ma, i think hindi pa nila alam yung nawala sa amin... ikaw yun.  wala pa silang puwang talga sa mundo mga bata pa sila talga kahit si jaz na kasing laki ko na halos naka get over na ata... ako kami nila papa jel john ewan ko kung kelan makaka get over...

natulungan mo ako ma na mawala yung sakit yung lagi kong pagiyak nabawasan na nakayanan ko ng tingnan yung mga pictures videos marecall mga alaala natin pero syempre hindi ko pa din maiwasang ma miss ka mahal kita e..

gabayan mo kami ma kasi mga buhay kami pero may part sa amin na wala na ikaw yun nabawasan na yung buhay namin nawala na yung hindi lng yata kalahati ng saya namin... pero kailangan pa rin naming mabuhay magtulungan... ngayong wala ka na ma alam kong wala ng masakit sayo diyan alam ko meron ka pa ding pag-aalala sa amin e kaya tinitingnan mo kami i wish to see you in my dreams and talk to you and hug you... pwede din yung personal ma kapag wala ng tao ako nlng kasi kahit kaluluwa ka na yayakapin pa rin kita na hindi ko laging ginagawa.

nakita mo yung mukha ko ma nung sabado na andun ako sa ospital... di ko maiwasang malungkot e kasi sa sinabing doctor at sa nakikita ko sayo pero ayaw kong tanggaping mawawala ka kaya lungkot na lungkot ako kasi hindi ko pinangarap ito hindi ko ito naisip hindi ko ito napanaginipan o sumagi sa isip man lng sana nalaman ko para nag spend ako ng mahabang oras kasama ka bago ka umalis ng permanente... ayaw mo din akong istorbohin tawag tawag lng alam mong kailangan ng pamilya yung kinita ng tindahan mo kasi sobrang lupit ng 2013 sa atin yun pala mas malupit yung 2014.... hindi ko malilimutan yung petsa na yun january 28, 2014 wala na kong pakialam sa oras e umagang umaga sobrang saya ng umaga na yun pero nagtxt si jel na iba na kinikilos mo mga sinasabi mo kailangan ko lng talgang gumawa muna para may maipadala ako o maiabot paglumuwas kayo kasi sobrang sagad na tayo pero yun pala balewala pala yung mga yun iiwan mo na pala kami.

hindi ko alam paano ko liliparin yung bulacan maabutan lng kita bago ka kunin ng puneraryang magseserbisyo sayo isip ako ng isip na panaginip lng walang tigil ang pagpatak ng luha ko kasi ma hindi ko talga inisip na ganito e akala ko sa boses mo nung gabing umuwi ka january 27 ng gabi okay ka na e yun pala iba na kinikilos mo...

nakatulog ako ng gabing nakauwi ka sa bahay na hindi umiiyak akala mo okay lng ako na andito sa manila nagtatrabaho pero di mo alam iyak ako ng iyak na nagagalit na si marvin dahil buhay ka pa iyak ako ng iyak anong gagawin ko nalulungkot ako ma tapos sinabi pa ng doktor na inaantay nlng natmin yung huling araw mo hindi ko matanggap ma..

hanggang ngayon ma hindi ko pa rin matanggap ang sakit sakit sobrang hirap ng wala ka di tulad ng kahit wala ka dito sa pwesto alam ko nasa bahay ka pagtawag ko pagtext ko may sagot may boses akong maririnig may utos may kwento..

pero ngayon wala na... wala ng reply sa facebook di ka na nagcocomment wala ka ng isi-ni share na picture ko o ano man...

sabi mo sa post mo I WANNA BE CLOSE TO GOD THIS 2014... sana alam ko na pahiwatig mo na yun...

I MISS YOU SO MUCH MA IM STILL HERE BUHAY AKO PERO MAY NAMATAY NA PART KO IKAW YUN.

Comments

Popular posts from this blog

BABANG LUKSA