MAMA DEAR

hello ma i miss you so much... madami akong gustong sabihin sayo e kaso nga wala ka na tulad ng iba pang mga sinabi ko nuon pa kahit pa magbago ulit ang mundo hindi kiuta ipagpapalit maging nanay ko kahit away bati tayo at mayroong minsang samaan ng loob ikaw pa rin ang pipiliin ko.

sabi mo hindi masusukat ng kayamanan ang kaligayahan kaya kahit na nag asawa ako ng maaga okay lang sayo at nakakatulong ako sa tindahan at sa buong pamilya.

salamat sa pagtitiwala ma.. salamat sa pagmamahal, pagaalaga, pag aalala...

hindi mo man kami pinalaki dahil trabaho ka ng trabaho naibigay mo naman ang mga kailangan namin pati na yung hindi namin kailangan.

siguro nga na spoiled mo kami kasi trabaho ka ng trabaho pero dati naman sumasama ka kapag lalabas o mamamasyal e pero nung nagkasakit ka ayaw mo ng sumama lagi mong sinsabing sayang ang pera.

pero di ba itinuro mo din sa akin yun? na hindi natin madadala ang pera o anumang bagay sa hukay at kaya tayo nagpapagod nagsisikap para maging masaya yung mga mahal natin sa buhay?

pero bakit ganun ma? bakit antigas ng ulo mo ma sinabi na namin mga bawal sayo pero sige ka parin ma? nawala ka sa amin binigay mo sa amin sakit ng loob sa pagkawala mo... alam mo ma okay naman kahit kami lng ang magtrabaho para sayo gumaling ka lng e wag ka lng ma pressure pero hindi mo matiis yung mga nang iistress sayo... ayan nawala ka tuloy sabi mo gusto mo kaming maging masaya pero paano kami sasaya kung wala ka?

ganun pa din yung bahay ma hindi naman malungkot kaso nga kulang na e kahit pa sabihing lagi kang nasa recto iba e kaya parang ayaw ko ng umuwi dun kasi kulang na e di tulad ng andito kami sa tindhan nasa isip ko nasa bahay ka lng..

sana ma mawala na itong nararamdaman ko hindi ko alam kung lungkot pangungulila tampo o ano man

ambigat pa din kasi ma sobrang miss na kita....

di ko man laging sinasabi na i love you ma... di ba nararamdaman mo naman...

di na pwdeng magsisihan ngayon kasi wala ka na... wala ng pagsisisi kundi yung hindi ka napaopera ng maaga.

na hindi ko o namin nabantayan yung pag inum mo ng tubig o pagkain ng prutas na matubig ng yelo ganyan... ibinigay din namin kasi di ba nagagalit ka sasabihin mo ito na nga lang ang kaligayahan ko e bawal pa...

ng patis ng asin... gulaman... haiz

sabi ko na nga ba sayo nuon ma di ba galit ka sa akin sabi ko ma sana di mo na kami pinagtapos ng nursing kasi ayaw mong makinig sa amin... para di rin namin alam yung sakit mo...

wala na wala na kaming magagawa pa kundi alalahanin mga araw na kasama ka namin...

swerte pa rin kasi ipinamana mo yung mga alam mo.....
salamat ma sa lahat iniwanan mo kami ng siguradong mabubuhay kami sa araw araw
lalo na ang abilidad na ipinasa mo sa akin
wag kang mag alala ma di ko pababayaan si papa, ang mga kapatid ko pamangkin asawa anak at bayaw....

yung mga pangarap natin naputol na paano ba yan? ipagpapatuloy ko pa rin ma kasama ko pa rin naman yung mga kasama natin sa pangarap e ikaw nga lng ang nawawala...

haiz kulang na kami pero sana hindi namin masyadong maramdaman na wala ka ma magparamdam ka naman bigyan mo naman ako ng panaginip na kahit nagbilin ka sa loob ng 2 linggo naka confine ka bilinan mo ulit ako bulungan mo ko kung ano ang mga dapat kong gawin...

i love you mama

Comments

Popular posts from this blog

BABANG LUKSA