LAST NIGHT..

last night na ni mama ko... 7:40pm andito pa din ako sa tindahan... parang ayaw ko pa pumunta kasi huling gabi na namin sya makakasama yung katawang lupa ni mama ililibing na bukas... dagsa ang mga tulong mula sa abuloy... dagsa ang mga taong kakilala kaibigan kamag anak simula nuong martes na unang gabi ni mama... pero hindi ko lubos maisip nuong nabubuhay pa sya na kailangan namin ng tulong walang tumutulong sa amin walang naniniwalang may sakit ang mama ko.. walang sumeseryoso... hindi namin napansin na parang kandilang nauupos na ang katawan ni mama habang tumatagal... masakit pa din sobra kasi nuong kailangan ni mama ng tulong para sa kalusugan nya walang naniniwala tapos biglang ito namatay sya dagda yung nakikiramay at nag aabuloy... aanhin mo yung pera e buhay naman ang naging kapalit?

sabagay masyadong makulay ang mundong ginalawan ni mama mula nuon hanggang bago sya namatay...
marami syang natulungang tao, marami syang naging kaibigan, maraming nakinabang sa puso ni mama na malambot maawain at mapagmahal...

ng mga huling araw ni mama lunes yun January 20 ng gabi umuwi kami para makita na rin sya at isoli yung kotse nakita ko yung hirap na pinagdadaanan nya ayaw ko syang tingnan ng matagal hindi ko matagalan kasi hindi ako sanay na makita syang ganun alam ko ang mama ko ay malakas puno ng buhay at sigla pero nung araw na yun ibang iba na sya. anak nagpagupit na ko para maganda yung ayos ko sa kabaong ko... yung mga bilin ko sayo ha at magiingat ka.

walang araw na hindi sya tumatawag sa telepono pati si papa kakamustahin ako kakamustahin yung benta kung nakabyad o makakapagpadala pambili ng gamot...

sabi ko ma uuwi ako ng sabado... sabado na sumama ang ilang kaibigan ni mama ang lungkot lungkot ko kasi iba na lalo itsura ng mama ko ngayon lalong humihina... ang panganay ko anak ikaw ang pag asa ko bakit ka malungkot? ayaw ko syang mag alala kaya sabi ko bakit ako malulungkot masaya ako ma andito na ko ako ang mag-aalaga sayo ngayon... kwento kwento... pero alam ko malapit na syang magpaalam hindi ko lng matanggap ang mga sinabi ng doktor nya.

hindi na tumatanggap yung katawan ni mama ng gamot.namamaga pa rin ang mga binti nya may dugo na sa dura nya kasi umakyat na yung manas hanggang sa baga nya.

hindi namin masabi a papa naming mag papaalam na si mama at hinihintay nlng namin na atakihin sya kasi kahit dextrose hindi sya makabitan nagpuputukan yung mga ugat nya.

ang hirap magkunwaring masaya para lng wag malungkot ang mama ko at huwag mag alala si papa lahat ng gusto nya ibinigay na namin ni papa gabi ng sabado hanggang linggo ng hapon bago ako umuwi.

ma magpalakas ka ha kailangan ka namin... anak wag mong pababayaan ang mga libro ko diyan ko kayo binuhay pinalaki mahalin mo ang mga libro natin.

ang mga kapatid mo lalo na si jel wag mong pababayaan pati ang papa mo. si totoy kahit ganun yung pinsan ko na yun kayo nlng ang magmamalasakit duon pagtyagaan mo ang tito mo na yun tulungan mo si maricel tulungan mo kasi kawawa yun hindi katulad mo na may magulang na umaalalay sayo sya nanay nya hindi sya maalalayan hindi katulad mo.

kapag tumatawag pala sya lagi syang nagsasabing wag akong istorbohin dahil madami akong ginagawa pero may nararamdaman na pala sya ayaw nya kong magalala.  isang araw ko lng sya napagsilbihan tapos tawag lng sa telepono ng lunes ng gabi yung nagpakalma sa akin.

anak andito na ako sa bahay kapag may gustong dumalaw sa akin diyan sabihin mo dito ako puntahan sa bahay ha magaling na ko.

oo ma o yung mga bilin ko sayo yung bawal ha magpagaling ka lalo

oo hindi na ko gaga

o sige na ma matulog k na magpalakas ka

tapos si papa na yung kausap ko mejo masama raw pakiramdam ni mama.

martes ng umaga may missed call si jel
tapos may text te ready na tayo dadalhin si mama sa philippine heart center iba na si mama iba ng kinikilos nya
te mamamatay na ata mama natin te

naghagilap ako ng pera para sa babayadan sa phc at ipinakiusap ko kay iris na maghiram kay ninang pero wala na huli na ang lahat wala na si mama.

hindi ko alam paano ako nakauwi tulo ng tulo ang luha ko kailangan namin sya pero wala akong magagawa pa kundi ibigay na sya sa dios amang maylikha sa ating lahat..

ma nasaan ka man ngayon paghilumin mo ang mga puso naming nangungulila sayo gabayan mo kami sa araw-araw.. mahal na mahal ka namin ma...

hinding hindi ka namin makakalimutan lahat ng mga nagawa mo para sa amin.. mahal na mahal kita ma sorry sa lahat ng kasalanan ko sa mga sakit na naramdaman mo dahil sa katigasan ng ulo ko.. pero ma alam mo naman na siguro ngayon ang mga kwento sa bawat pag aaway natin kasi anjan ka na may dvd diyan si san pedro para ipanood sya yung buhay mo at maalala mo kaming mga mahal mo sa buhay magkikita kita rin tayo diyan ma pagyayamanin ko ang negosyo mo at aalagaan ko si papa at mga kapatid ko gabayan mo lng kami ma kasi hindi ko pa kabisado ang buhay ng wala ka.





Comments

Popular posts from this blog

BABANG LUKSA