Suhestiyon para mapababa ang Presyo ng BIGAS
Sa panahon ngayon ang bigas ay may presyong 50-95 per kilo. Alam naman nating lahat na ang bigas ang pangunahing pagkain nating mga Pinoy. mula agahan, tanghalian, at hapunan, minsan nga pati meryenda ay laging may kanin.
Paano nga ba maibababa ang presyo ng bigas? napakahirap na katanungan pero may solusyon dito lalo na sa side ng mga Farmers. Isang suhestiyon ko ay, huwag ng payagan ang mga middle man na umangkat ng bigas mula sa mga farmers tapos ay sila ang magba byahe patungo sa mga bagsakan nito tulad ng palengke. ang mga traders o middle man syempre ang gusto ay kumita... lalo na kung malaki ang kanilang puhunan maari nilang pakyawin ang mga ma aaning bigas ng ating mga kababayang magsasaka. at dahil kulang sa pondo o puhunan ang mga magsasaka ito ay atubili nilang ibebenta. kahit mura ang kuha ng mga traders na ito sa mga magsasaka at kinakagat na sapagkat kpg ito ay magtatagal p sa kanila ay maluluma ang bigas at maari pang mabasa ito dahil wala silang bodega na pag iimbakan upang mapanatili itong tuyo.
ang mga traders ay namumuhunan nagpapasahod at nagbbyd ng tax transportation at iba pa kung kaya dapat nilang muha ang kanilang mga ipinuhunan at magkaron ng kita sa pag aangkat ng bigas.
Kung... KUNG tulad noon ay mula sa magsasaka at diretso sa pamilihin ay hindi magiging mataas ng presyo ng bigas. SUBALIT ika nga ang mga magsasaka ay may maliliit na puhunan. kung kaya umaasa sila sa mga trader n papakyaw ng kanilang tinda na silang nagdadala sa mga pamilihan.
Maaring bigyan ng gobyerno ng ayuda ang magsasaka sa pamamagitan ng transportasyon.
maaring ang mga sumusunod:
1. Kapag anihan at na isis na ang mga bigas, tatawg ang magsasaka sa local government na mangangasiwa ng transportasyon mula sa magsasaka papunta sa pamilihan. sila mismo ang magbebenta nito sa pamilihan upang hindi n tumaas ang presyo nito;
2. Pagkatapos maani at maisis ang bigas ay tatawagan ng mga magsasaka ang mga may tindahan sa palengke at diretsong makakabili sa kanila. at sila na ang magbabayad ng transportasyon kunwari mula sa Pangasinan patungo sa Maynila;
3. ang mga truck na direktang kukuha sa mga magsasaka ay excempted sa mga toll gate at hulihan o sitahan lalagyan ito ng palatandaan na ito ay di maaring i delay o questionin walang ibang paghihintuan ito kundi sa palengke na nakalaan para dito. budgetan ng gobyerno ang ang pampasahod sa driver, maintenance ng mga truck lalo n ang gasolina.
4. Ang mga trader ay magkakaron ng samahan upang magkaron ng NAKATALAGANG PRESYO ng bigas sa pamilihan (wariy 35 may gananseng 15 sa bawat kilo ang tader kung inangkat niya itong 20 sa magsasaka). upang hindi magkaron ng pagtaas ng presyo. magiging transparent sa mga puhunan at nagasta ang mga trader na sya nitong maipapakita sa bir at dar.
5. imbes ayudang pera ang ibigay sa mga magsasaka ay transportasyon na lamang sa tuwing anihan at kung sila maaring magbenta sa kabihasnan o palengke ng kanilang mga ani.
SUHESTIYON lamang po ito kung di namn po maari ay wala namn tayong magagawa. God bless the Philippines!
Comments
Post a Comment