natagpuan
kaytagal kitang hinanap!
inasam na makita at pinangarap.
pinangarap na maipagpapatuloy yung nasimulan.
pero nahuli na ang lahat...
nainip ako.. naghanap ng ipapalit sayo.
pero di namn pala madaling makalimot ang pusong totoong nagmamahal ng isang tao lang.
ikaw yung nagturo kung paano magmahal ng totoo...
nagturo kung paano magmahal ng tapat...
nagturo ng pagkakuntento...
nagturong maging tapat kahit malayo...
nagturong umibig at mangarap...
pero ikaw din ang nagturo
kung paano maramdaman ang masaktan...
paano ang nararamdaman ng ipinagpalit...
paano pagtakpan ang sakit na nadarama...
paano maramdaman ang pag guho ng pangarap.
taon man ang lumipas hinahanap hanap ka
ng puso kong di na tumibok sa iba.
natagpuan kita sa di inaasahang lugar.
nakakagulat nakakabigla.
kung kelan ang puso ko ay sumuko na.
di ko alam kung ano ung naramdaman.
pero iisa lng ang alam ng puso kong ikaw pa rin ang laman.
huli na... paano na?
Comments
Post a Comment