Patience
Ano nga ba yung salitang patience? Sa tagalog pasensya... Dapat marami tayong baong ganto kapag nakipag commit ka. Sa isang relationship sobrang dami dapat nito ang investment ng bawat isa. Di ka namn balewala pero may oras na feeling mo nababalewala ka. Yung oras na sana ay ilaan sayo pero mas piniling mag pahinga. Tama naman lahat kailangan ng pahinga, para din ito sa kalusugan ng bawat isa.
Pero minsan naisip mo bang sa mga oras na wala ka ay may isang taong nag aantay na makamusta, may isang taong nag aantay na makapiling ka. Wow lalim pero totoo kasi iba na ngayon ang mundo nio. Di na pwedeng isantabi ang taong nagmamahal sayo at sabi mo ngay minamahal mo.
Di namn sa pagdedemand pero sana may oras na ilaan hindi namn pang rest day lang ang samahan. Oo nakakapagod lalo nat malayo, pero ikaw lang ba ang ganito? Parehas namn kayong nagsasakripisyo upang maipakita ang pagmamahal nya sayo.
Comments
Post a Comment