Andito na tayo!!

Yung taong matagal mong hinanap andito na sa harapan mo.... Parehas pa rin ng dati ung nararamdaman mo.. Nararamdaman nia para sayo.. Pakakawalan mo pa ba yung taong matagal mong hinintay at hinanap?

Andito na sya, andito na kayo... Magsisimula ulit ng bagong yugto!

Nagkamali kayo noon pareho... Ng di mo sya makita humanap ka ng magpupuno ng espasyong iniwan nia sa puso mo...  Sa buhay mo... Pero di ka naging masaya. Parehas kayong bumuo ng kanya kanyang pamilya... 

Lumipas ang taong hindi pagkikita, pero ramdam mo pa yung pag asa.  Pag asa na may posibilidad na magkita kayong muli. Isang umaga gumising ka,  sinabi sa sariling itigil na,  ang paghahanap sa taong nakaukit sa puso mo dahil wala na tong pag asa. 

Pero hindi mo inaasahan isang araw bigla mo syang natagpuan.  Di mo sinadya pero yun ang naramdaman.  Pag ibig pa rin pala ang nadarama sa taong napakatagal mong di nakita. 

Kung magbiro ang tadhana parang laging nasa timing. Di na sya committed ikaw namn ay magulo ang isip. Nagkita nagkausap nagkapatawaran... May kasamang iyakan. 

Patawad pero pinili kita di mo man ginustong makasira.  Pero ito ang tama upang maging masaya! Ang desisyong ito ay para sa ating dalawa. 

Sana ngayon ay handa na tayo,  di tulad noong mga bata pa tayo. Sana huwag ng magbago ang pag ibig na matagal ng ipinagkait sana ay laging mapagtanto,  maging mapagbgay at maunawain lalo pat maging kuntento. 


Comments

Popular posts from this blog

BABANG LUKSA