NALILITO

nakakalito magdesisyon kung ano ba ang tama o maling hakbang!!
nagpapasalamat pa rin kaming lahat sa mga pagsubok na dumarating sa amin at nagiging matibay ang aming samahan at pagpupursige sa buhay.  ang minana namin sa aming ina ay kayamanang hindi maiiaalis sa amin - KASIPAGAN - KAUGALIAN - PAGMAMAHAL SA PAMILYA - AT HINDI MAGING MAKASARILI!

hindi man kami nagmana ng pera o bahay na pwedeng ibenta binigyan nya kami ng kaisipan na gumawa upang pagtrabahuhan ang aming kakanin sa araw-araw.

simula pa noon alam na nya kung saan nya kami ilalagay dahil tama pala sya na ang mga kamag-anak ay hindi laging dapat asahan dapat tumayo sa sariling mga paa.

nagpapasalamat din ako sa kanya kahit dati pa nya ikinukwento kung ano ang totoong buhay nalaman ko na rin kung sino-sino ang mga taong dapat kong galangin, irespeto at pahalagahan.

sabi nga nila blood is thicker than water, but why does some relatives are like .... hmmm never mind sabi na nga ni mama nuon na wag magtiwala lalo na at tungkol sa hai naku buti nlng walang pinamanang malaking halaga kundi magiiba ang mga kulay.

Comments

Popular posts from this blog

BABANG LUKSA