ANAK KO
indi ko namalayan ang anak koy dalaga na
nuong inihabilin ko siya sa aking mga magulang ay maliit pa sya
baby pa rin sa aming paningin
ang batang mahal namin.
na miss ko yung mga panahong kalong ko sya
yung panahong karga ko at hinehele
kailangan ni nanay at tatay na magtrabaho
para sa kinabukasan mo.
sana ay naintindihan nya ang mga panahong wala kami
wala kami sa kanyang tabi upang sya ay samahan
ito ay para rin sa kanyang kinabukasan.
mahal na mahal ka namin anak
sana ay itanim mo sa puso at isipin
ang mga tinuro naming magagandang asal.
ang mga aral na iyong natutunan
upang ang iyong kinabukasan
ay hindi mahirapan.
Comments
Post a Comment