Hi Readers, may kwento ako!!! Meron akong kakilala - o kaibigan na rin - na ewan ko ba kung bakit ayaw lubayan ng problema... sa totoo lang ang bawat tao sa mundo ay may problema... kanya kanya nga lang tayo ng problema at kung paano natin ito hina-handle!! tama ako dun di ba?? pero sa twi-twina, hindi ko alam kung sadya o ano pa man, e laging sinasabi sa akin... teka lang po wala namang problema talga sa akin kung magkwento ka makikinig ako... pwede din akong mag bigay ng advise na naaayon sa sitwasyon mo. pero teka lang po ulit... kahit ang aga-aga??? sabi nga ng nanay ko nuon "simulan mo ang umaga mo ng nakangiti" dapat lahat ng kasama mo sa bahay o sa tindahan marahil ay nakangiti sa umaga para maging maganda ang maghapon mo lalo na at may negosyo ka!!! pero ulit (pardon sa redundant word na pero, oopps!!!) namaaan!! paulit-ulit na yung problema mo teh!! wala ng bago diyan eh!! tamad na asawa maliit na kita walang tumutulong sayo kundi ikaw... hai nakow!! te ...