MGA KAHILINGAN
andito pa rin itong blog na ito kahit tumanda na ako o mawala na ako sa mundo, ang hiling ko lng sana ang mga maiiwan ko ay maging maayos ang buhay. sana natutunan nila yung mga aral na sinasabi ko, sana maging aral lahat ng mga pinagdaanan ko pinagdaanan namin! hindi man madali ang mabuhay pero sana ay kayanin nila... sana huwag silang mag-sisi sa huli pagtapos nilang mag desisyon... sana huwag matulad sa iba na napariwara ang buhay.. sana maisip na magsipag upang mabuhay ng maayos... sana huwag manglamang ng kapwa... sana huwag maging pabaya... sana... sana.. hindi lang yan ang sana pero hiling ko lang maging maayos sila lalo ka na anak na nagiisa.. matuto sa buhay at huwag maging pabaya!! sana lahat ng aral at kabutihang asal ay iyong madala.